MANILA, Philippines – Ibinasura ng Sandiganbayan ang hirit ni Senador Bong Revilla Jr. na makapagpiyansa para sa kasong pandarambong kaugnay ng P10-bilyon pork barrel scam.
Sinabi ni First Division chairman Associate Justice Efren dela Cruz sa 71-pahinang desisyon na may sapat na ebidensya upang ituloy ang kaso laban sa Senador.
Kasalukuyang nakakulong si Revilla sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.
Bukod sa hirit ni Revilla, ibinasura rin ng anti-graft court ang mga petisyon nina Janet Lim-Napoles; abogadong si Richard Cambe, ang legislative staff ni Revilla; at ng dalawa pang akusado na sina Ronald John Lim at John Raymond de Asis.