P250-M ransom sa ASG, pinaiimbestigahan
MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ng ilang kongresista ang umanoy pagbabayad ng P250 milyon sa Abu Sayyaf para sa paglaya ng dalawang German noong Oktubre.
Iginiit nina Magdalo Reps. Gary Alejano at Ashley Acedillo sa House Resolution 1679, dapat alamin ng Kongreso kung totoong may ibinayad na ransom sa Abu Sayyaf kapalit ng pagpapalaya sa 2 German nationals na sina Stefan Viktor Okonek at Henrike Diesen noong nakaraang buwan.
Wika pa nina Alejano at Acedillo, kung totoo ito ay baka lalo umanong mahikayat ang mga bandido na mangidnap nang mangidnap para makakuha ng ransom at ang kikitain sa ransom ay tiyak umanong ipinangbibili naman ng malalakas na armas na ipinaglalaban sa military.
Mariing itinanggi naman ng gobyerno ang pagbabayad ng ransom subalit nitong Nobyembre 14 ay may ini-upload na video ang Abu Sayyaf na nagpapakita sa mga ito habang nagbibilang at nagsasalansan ng malaking halaga ng salapi.
Ipinaliwanag pa ng 2 kongresista, dapat tuntunin ang paper trail ng salapit ito dahil imposibleng walang records sa mga bangko ang paglabas nito at ialerto ang Anti Money Laundering Council (AMLC) upang malaman kung sino at paano nailabas ang kanilang halaga ng pera patungo sa ASG.
- Latest