MANILA, Philippines - Isusumbong ng mga Palaweños kay Pangulong Aquino at DILG Sec. Mar Roxas ang mga ‘kapalpakan’ ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron dahil sa paglaganap ng drug-related cases sa lungsod na tourist destination pa naman.
Magtutungo ang mga kapitan ng barangay kasama ang mga negosyante upang ireklamo ng personal si Mayor Bayron sa Pangulo at kay Roxas dahil sa tumataas na kriminalidad.
Kabilang sa ihahaing reklamo laban kay Mayor Bayron sa Office of the President (OP) ang gross neglect of duty,misapplication of justice, cover-up, pagiging bias at iba pang administrative cases.
Kasama ring irereklamo kay Roxas si Supt. Thomas Frias Jr. bilang hepe ng pulisya ng Puerto Princesa City.
Nadismaya ang mga Palaweños dahil sa paniwala nilang nagkaroon ng whitewash at cover-up ang pulisya at city hall sa paghawak sa kaso ng 21 yrs. old spa worker na rape-slay victim nitong Oct. 11 at pagkakasangkot ng isang barangay official sa 2 pamamaril pero patuloy na nakakagala.
Bukod dito, may kinakaharap pa ring recall petition si Bayron na isinampa ng 40,409 voters ng lungsod dahil sa lost of confidence dito.