^

Bansa

Pemberton kalaboso na

Rudy Andal, Ricky Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa kustodiya na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton na sinasabing pumaslang sa transgender na si Jeffey “Jennifer” Laude sa Olongapo City.

Si Pemberton ay inihatid kahapon sa Camp Aguinaldo, Quezon City ganap na alas 8:45 ng umaga.

Sinamahan ng US at Philippine officials si Pemberton na dinala sa pamamagitan ng aircraft mula sa kanyang pansa­mantalang kulungan sa USS Peleliu na kasaluku­yang nakadaong sa Subic Bay, Zambales.

Ayon kay AFP Chief Gen. Gregorio Pio Catapang, ang suspek ay ikukulong sa Mutual Defense Board-Security Engagement Board Facility habang isinasagawa ang preliminary investigation sa kasong murder nito.

Si Pemberton ay nakapiit sa may isang 20-foot container van na inilagay sa lugar at kinabitan ng rehas na bakal. Mayroon din itong isang military type cot na kama at isang air-conditioning system.

“We could not take his photos as this will violate his rights,” sabi ni Catapang.

Ang suspek ay babantayan sa loob ng kanyang detention cell ng mga personnel ng US Marine Custodial Unit habang ang Military Police personnel mula sa General Headquarters Support Command ang magse-secure naman sa labas ng perimeters ng pasilidad.

Ayon pa kay Catapang, ang korte na umano ang magdedesisyon sa karapat-dapat na kulungan sa sandaling ang kaso ay maisampa na laban sa akusado.

Siniguro naman ni Pa­ngulong Aquino na hindi binibigyan ng ‘special treatment’ ng gobyerno si Pemberton.

“The tragedy will be settled, in the sense that the guilty will be made to answer for the crime,” giit ng Pangulo.

Pero iginiit kay US Ambassador Phillip Goldberg na nananatili sa custody ng US government si Pemberton sa pakikipag-kooperasyon ng Pilipinas.

Aniya, wala rin siyang balak na dalawin ang burol ni Laude dahil hindi naman niya ito kilala ng personal pero nakikidalamhati siya sa pamilya nito.

Inulit din kahapon ni PNoy na hindi dapat ma­ging basehan ng pagbuwag ng VFA ang kasalanan lamang ng isang US serviceman dahil ito ay bahagi ng Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

AMBASSADOR PHILLIP GOLDBERG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

CAMP AGUINALDO

CATAPANG

CHIEF GEN

GENERAL HEADQUARTERS SUPPORT COMMAND

PEMBERTON

SI PEMBERTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with