MANILA, Philippines – Pasok ang lungsod ng Vigan sa Ilocos Region sa finalists ng panibagong New7Wonders Cities sa buong mundo.
Tanging ang Vigan lamang ang lungsod mula sa Pilipinas na pasok sa listahan na kung saan mula sa 14 ay pito lamang ang kikilalanin.
“This is a memorable day for all involved in the 14 successful city campaigns. The short-list is as inspiring as it is enlightening," pahayag ni News7Wonders Cities Founder-President Bernard Weber.
Pasok sa listahan ang mga lungsod ng: Barcelona (Spain), Beirut (Lebanon), Chicago (United States), Doha (Qatar), Durban (South Africa), Havana (Cuba), Kuala Lumpur (Malaysia), La Paz (Bolivia), London (United Kingdom), Mexico City (Mexico), Perth (Australia), Quito (Ecuador), Reykjavik (Iceland) at Vigan (Philippines).
Maaaring bumoto sa pamamagitan ng internet, international telephone voting at national SMS bago kilalanin ang mga bagong New7Wonder Cities sa Disyembre 7.
“The shortlist will now help voters to focus their understanding of a key trend shaping our world today: urbanization,” wika naman ni New7Wonders Head of Communication Eamonn Fitzgerald.