MANILA, Philippines - Dahil sa dami ng mga nais mag-invest sa Pilipinas, naniniwala si Pangulong Aquino na magiging banner year para sa bansa ang 2015.
Sa isang forum na inorganisa ng French Institute for International Relations, sinabi ng Pangulo na lahat ng “factors’ na kinakailangan para umangat ang bansa ay naka-puwesto na.
Naniniwala ang Pangulo na mapapakinabangan sa susunod na 35 taon ang mga negosyong papasok sa bansa sa 2015.
Ang strategic location din aniya ng Pilipinas ang magdadala ng malaking potensiyal upang maging isang “crucial hub of trade” ng mga investments at services.
Inihayag rin ng Pangulo na ang commitment ng kanyang administrasyon para sa isang “good governance” ay nagkakabunga na at ang perang dati ay napupunta lamang sa korupsiyon ay nagagamit na sa investmetns para sa mga mamamayan. (Malou Escudero)