Pinas ’di lulusubin ng China - PNoy

MANILA, Philippines - Naniniwala si Pa­ngulong Aquino na hindi lulusubin ng China­ ang Pilipinas dahil lamang sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito ang binigyang-diin ng Pangulo sa pagdalo nito sa isang forum sa French Institute for International Relations kung saan ay nakasentro ang usapin sa Climate Change at West Phi­lippine Sea dispute.

Sinabi ng Pangulo na wala siyang naki­kitang logic para lusubin ng China ang Pilipinas dahil sa nasabing territorial dispute.

Dagdag pa ni PNoy, sakaling giyerahin ng China ang Pilipinas ay walang kalaban-laban ito subalit positibo ang Pa­ngulo na hindi ito Gagawin ng China bagkus ay maaayos ang sigalot sa pama­magitan ng diplomatikong pamamaraan.

Suportado ng Euro­pean leaders ang hakbang ng Pilipinas sa usa­pin ng West Phi­lippine Sea na da­ananin sa diplomatikong pamamaraan ang paghahanap ng solution dito.

 

Show comments