Malamig na panahon sa‘ber’ months mababawasan
MANILA, Philippines - Posibleng mabawasan ang malamig na panahon ngayong “ber” months dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.
Ayon kay Anthony Lucero ng PAGASA, bahagyang tumaas ang temperatura sa ating bansa kahit pumasok na tayo sa ber months.
Kapag may El Niño ay nababawasan ang mga pag-ulan na nagdudulot ng mainit na temperatura.
Tinaya naman ng PAGASA na sa Oktubre 17 ay papasok na ang hanging amihan o malamig na simoy ng hangin at mapapalitan na ang habagat o mainit na panahon.
Gayunman, sinabi ni Lucero na mas mainit ngayon ang ber months kaysa noong nakaraang taon.
- Latest