Pinoy drug courier bibitayin sa Vietnam

MANILA, Philippines -- Parusang kamatayan ang hatol sa isang Pinoy matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Vietnam.

Ayon sa ulat ng Law and Society, naparusahan ng bitay si Emmanuel Sillo Camacho, 39, matapos makuhaan ng 3.4 kilo ng cocaine sa paliparan nang nanggaling siya ng Brazil.

Disyembre pa ng nakaraang taon nang maharang si Camacho sa Noi Bai international airport at kahapon lamang hinatulan ng korte.

Dagdag ng ulat na inamin ng Pinoy na dinala niya ang droga mula Brazil matapos siyang pangakuan ng trabaho na may buwanang sahod na $1,500.

Isa ang Vietnam sa may pinakamabigat na parusa sa ilegal na droga kung saan parusang kamatayan kaagad ang nag-aantay sa mahuhulihan ng 100 gramo pataas.

Show comments