^

Bansa

Pagdinig sa jail transfer ni Jinggoy ipinagpaliban

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagpaliban ng Sandiganbayan 5th division ang pagdinig sa hirit ng prosekusyon na mailipat sa BJMP jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City si Sen. Jing­goy Estrada mula sa kulungan nito sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Ito ay makaraang hindi masagot ni Sr. Insp. Crisyrel Awe ng BJMP Legal Department ang ilang mga katanungan ng graft court hinggil dito.

Bunga nito, hindi nakumbinsi ang Sandiganbayan na ituloy ang pagdinig at sa halip ay nagdesisyon ang graft court  na ipatawag si BJMP-National Capital Region (NCR) Director S/Supt. Romeo Vio upang siya ang sumalang sa pagdinig para siya mismo ang sumagot sa mga katanungan sa korte.

Una rito, mariing tinututulan ni Estrada na mailipat siya sa Camp Bagong Diwa dahil anya sa isyu ng seguridad.

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

CRISYREL AWE

CUSTODIAL CENTER

DIRECTOR S

LEGAL DEPARTMENT

NATIONAL CAPITAL REGION

ROMEO VIO

SANDIGANBAYAN

SR. INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with