^

Bansa

House probe sa pagkalunod ng 7 BSU students, giit

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinamamadali ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang imbestigasyon sa pagkalunod ng pitong estud­yante ng Bulacan State University habang nasa field trip sa Madlum Cave sa San Miguel, Bulacan.

Ayon kay Romulo, chairman ng House Committee on Higher and Technical Education, dapat malaman kung sino ang may pagkukulang at may pananagutan sa trahedya upang maparusahan at mabigyang hustisya ang mga estudyanteng nasawi rito.

Giit ng mambabatas, hindi talaga ligtas ang nasabing ilog tuwing tag-ulan kaya hindi na dapat nagsagawa pa ng field trip doon.

Naalala pa ni Romulo na noong 2004 ay may napaulat na walong kataong nagpi-picnic na pawang mga bata at teenagers na nalunod din sa Madlum River dahil sa biglaang pagtaas ng tubig.

Dahil dito kaya hinikayat ng mambabatas ang mga eskwelahan ng maigting na pagbabantay sa mga estudyante habang nagsasagawa ng mga off campus education activities tulad ng field trips upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.

Paliwanag pa ni Romulo dapat may matutunang leksyon sa naturang insidente para hindi na nauuwi sa disgrasya ang mga aktibidad ng mga estudyante sa labas ng campus.

BULACAN STATE UNIVERSITY

HIGHER AND TECHNICAL EDUCATION

HOUSE COMMITTEE

MADLUM CAVE

MADLUM RIVER

PASIG CITY REP

ROMAN ROMULO

ROMULO

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with