^

Bansa

Tubig sa bulkang Taal patuloy ang pag-init

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Habang nagbabanta ng pagsabog anumang araw mula ngayon ang bulkang Mayon sa Albay, Bicol ay patuloy naman ang pag-aalburoto ng bulkang Taal sa Batangas.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagkaroon ng pag-init ng tubig sa paligid ng Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras. Mula sa 32.1°C ay naging  32.7°C ang water temperature.

Bukod sa apat na volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala rin ito ng pagtaas ng water level sa lawa ng Taal.

May pagtaas din sa paglalabas ng asupre sa main crater ng bulkan na mula 698 tonnes per day ay umaabot na ito sa 1800 tonnes per day.

Gayunman, nananatiling nasa alert level 1 ang bulkan. Patuloy ding pinagbabawalan ang sinuman na pumasok sa buong Volcano Island dahil sa panganib nitong maidudulot sa mga tao.

ALBAY

AYON

BATANGAS

BICOL

BUKOD

GAYUNMAN

HABANG

PHILIPPINE VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

TAAL VOLCANO

VOLCANO ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with