^

Bansa

MRT nagkaaberya na naman

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nagkaaberya kahapon ang operayon ng Metro Rail Transit (MRT) nang tumigil ang isang tren nito sa bahagi ng Buendia.

Sa kabila nito, naninindigan pa rin si Department of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Joseph Emilio Abaya na ligtas pa rin itong sak­yan ng publiko.

“Again MRT is safe,” wika ni Abaya.

Iginiit ng kalihim na walang dahilan upang tuluyang i-shutdown o ipatigil ang operasyon ng MRT dahil ligtas aniya ito.

Aniya pa, bagamat luma na ang sistema ay ina-upgrade naman ito ng pamahalaan at sinigurong ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang maging ‘serviceable’ ito at ‘available’ sa mga mamamayan.

Ginarantiyahan rin ng Kalihim ang kaligtasan ng MRT at sinabing siya mismo ay sasakay rito sa susunod na mga araw.

Tuloy rin naman aniya ang pagpapahusay ng pamahalaan sa kondisyon ng MRT at kabilang sa kanilang mga aksyon ay ang ginawa nilang pagbili ng mga bagong signalling system, power supply at 48 bagong bagon na inaasa­hang darating sa bansa sa kalagitnaan ng 2015.

Ayon kay MRT spokes­­­­­­person Hernando Cabrera, napansin ng drayber na nagkaroon ng technical problem ang kanyang minamaneho sa Buendia northbound dakong alas-10 ng umaga.

Nagdesisyon umano itong huwag nang tumuloy pa sa pagbiyahe dahil sa aberya. Pinababa na lamang ang mga pasahero at nagpatulak sa papara­ting na tren.

Nitong Miyerkules ay nadiskaril ang isang tren at sumalpok sa barrier ng Edsa-Taft Ave. station habang Biyernes naman nang tumirik ang isa pang tren sa Santolan.

ABAYA

BUENDIA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

EDSA-TAFT AVE

HERNANDO CABRERA

JOSEPH EMILIO ABAYA

METRO RAIL TRANSIT

NITONG MIYERKULES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with