^

Bansa

Palparan natatakot na ipatumba sa kulungan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang house o hospital arrest, ito ang matapang na pahayag ng retiradong major general Jovito Palparan matapos maaresto ngayong Martes.

Sinabi ni Palparan na handa siyang magpakulong sa normal na kulungan ngunit inaming natatakot siya para sa kanyang buhay.

"Kahit saan ako makulong, ang foremost concern ko lang ay security. Ayaw ko lang naman na mapatay ako ng kalaban at malaking advantage iyon sa movement ng Communist Party [of the Philippines]," pahayag ni Palparan sa isang pahayag sa telebisyon.

Kaugnay na balita: Jovito Palparan arestado!

"Kahit anong condition [ng kulungan], I don't need special treatment. Kahit sa barangay jail, okay lang 'yun, sanay naman tayo."

Nasakote si Palparan kaninang madaling araw sa Sta. Mesa, Manila sa joint operation ng militar at National Bureau of Investigation.

Pinabulaanan ng dating sundalo na nagtago siya sa Camp Aguinaldo sa Quezon City at lumabas pa ng bansa.

Aniya dito lamang siya nagtago sa Metro Manila.

Nahaharap sa kasong two counts ng kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala ng mga University of the Philippines students Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.

Mula Disyembre 2011 ay nagtago na si Palparan na may P2 milyong patong sa ulo.

"Gusto ko sanang lumabas to clear myself, but I'm prevented by my family's concern for my security," paliwanag niya.

CAMP AGUINALDO

COMMUNIST PARTY

JOVITO PALPARAN

KAHIT

KAREN EMPE

METRO MANILA

MULA DISYEMBRE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PALPARAN

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with