Satisfaction rating ng administrasyong Aquino lagapak!
MANILA, Philippines – Nagtala ng all-time low o pinakamababang net satisfaction rating ang administrasyong Aquino, base sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Nabawasan ng 16 points ang satisfaction rating ng administrasyon upang bumagsak sa +29 (moderate) nitong Hunyo kumpara sa +45 (good) noong Marso.
Lumabas pa na 56 percent ng 1,200 na mga tinanong ang sumagot na satisfied sila, habang 18 percent ang "neither satisfied nor dissatisfied" at 26 percent ang hindi nasiyahan sa gobyernno.
Nakakuha ng mga sumusunod na iskor ang administrasyon sa 17 isyu:
"Good"
protecting the environment
providing enough supply of electricity
defending the country's territorial rights
promoting welfare of overseas Filipino workers
foreign relations
helping the poor
"Moderate"
reconciliation with Muslim rebels
fighting terrorism
providing jobs
reconciliation with Communist rebels
fighting crimes
tax collection
eradicating graft and corruption
"Neutral"
ensuring that no family will be hungry
"Poor"
fighting inflation
ensuring that oil firms don't take advantage of oil prices
"Bad”
resolving Maguindanao massacre case with justice
- Latest