^

Bansa

Bagyo papasok ng Pinas sa Lunes o Martes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa susunod na linggo malamang pumasok ng Philippine Area of Responsibility ang pang-10 bagyo ngayong taon, ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na malamang Lunes o Martes papasok ng bansa ang bagyo na pangangalanang “Jose.”

Inaasahang dadaan ito sa dulong bahagi ng Hilagang Luzon, ngunit nilinaw ng PAGASA na wala itong magiging direktang epekto sa bansa.

Namataan ang bagyo na may international name na “Halong” sa 1,740 kilometro silangan ng Central Luzon.

Taglay ni Halong ang lakas na 85 kilometers per hour at bugsong aabot sa 100 kph, habang gumagalaw pa kanluran hilaga-kanluran.

Tatlo hanggang apat na bagyo ang inaasahan ng PAGASA na papasok sa bansa ngayong Agosto.

Samantala, uulanin ang Pilipinas ngayong weekend dahil sa pag-iral ng hanging habagat.

AGOSTO

BIYERNES

CENTRAL LUZON

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

HALONG

HILAGANG LUZON

INAASAHANG

NAMATAAN

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->