Napoles sa Lunes pa maililipat sa BJMP

Ini-eskoratan ng mga pulis si pork barrel scandal business women Janet Lim Napoles matapos ihayag ng clerk of court ang paglipat nito sa female dormitory sa  Camp Bagong Diwa sa Taguig mula sa Fort Sto.Domingo sa Laguna.- Boy Santos-

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagkakaloob ng seguridad kay Janet Lim Napoles oras na mai-turn over na sa kanila ang huli sa Lunes.

Sinasabing bukas pa takdang iturn-over ng PNP mula Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna si Napoles papuntang  Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig dahil nais pa nilang ipaalam at makuha sa Makati court ang  reaksiyon hinggil sa utos ng Sandiganbayan na mailipat si Napoles sa regular jail.

Si Napoles ay nakakulong sa Laguna dahil sa kasong serious illegal detention na isinampa rito ng whistleblower na si Benhur Luy.

Ayon kay Inspector Aries Villaester ng BJMP, oras na mailipat sa kanila si Napoles sa female dormitory ng Camp Bagong Diwa ay agad itong isasailalim sa umiiral nilang protocol.

Tulad ng ginawa kay Atty. Gigi Reyes, dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile na isinasangkot din sa pork barrel scam, ilalagay din  ng BJMP si Napoles sa isang isolation room.

Si Napoles ay isang linggong mananatili sa isolation room ng female dormitory na karaniwang ginagawa sa mga bagong dating na bilanggo.

Sa paglilipat kay Napoles sa Taguig jail, inaasahan na makakasama niya si Reyes na kapwa akusado nito sa kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.

Show comments