OFW na hinatulan ng bitay sa Saudi, laya na
MANILA, Philippines - Isang OFW na nahatulan ng bitay ang nailigtas sa tiyak na kamatayan at nakatakda nang umuwi sa bansa ngayong araw (Hulyo 24) mula Saudi Arabia.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dalawang beses na nakaligtas sa kamatayan ang Pinoy na si Dante Atizo, matapos na malagpasan ang sakit na tuberculosis habang nakakulong sa Saudi jail at tuluyang makalabas sa kulungan dahil sa pagtulong ng isang charitable institution ng blood money na nagkakahalaha ng P4.8 milyon o 400,000 Saudi Riyals (US$107,000) kapalit ng kanyang buhay at kalayaan.
Sa rekord ng korte, nasaksak at napatay ni Atizo na noon ay 36-anyos ang kapwa OFW at roommate na 27-anyos matapos ang mainitang pagtatalo sa loob ng company accommodation sa Al-Baha, Jeddah.
Sa pag-aresto sa kanya ng pulisya, inamin ni Atizo ang pagpatay at sinilbi niya ang halos anim na taong pagkakakulong.
Nagkasundo ang pamilya ng biktima at akusado para sa blood money kapalit ng paglaya ni Atizo.
- Latest