MANILA, Philippines — Umakyat nasa 40 katao ang iniwang patay ng bagyong “Glenda,” ayon sa state disaster response agency ngayong Huwebes ng hapon.
Nagmula ang mga nasawi sa Ilocos region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Eastern Visayas at Metro Manila.
Samantala, apat na katao pa rin ang pinaghahahanap ng National Disaster Risk Reduction Management and Council.
Kaugnay na balita: 38 na patay kay 'Glenda'
Umabot sa 882,236 katao o 167,293 pamilya ang naapektuhan ng pampitong bagyo ngayong taon mula sa pitong rehiyon ng bansa.
Tinatayang nasa P49.18 milyon at P1.13 bilyong halaga ng impastraktura at agrikultura ang nasira ni Glenda.
Pinuruhan ng bagyo ang Luzon matapos itong manalasa kahapon.
Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility si Glenda kaninang umaga, ngunit isang low pressure area naman sa bandang Mindanao ang binabantayan ng state weather bureau.