Runway ng NAIA isinara dahil kay Glenda
MANILA, Philippines - Ipinasara ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa lahat ng international at domestic flights dahil sa sama ng panahon na dala ng bagyong Glenda, kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga ng ipinag-utos ng CAAP na walang lilipad na eroplano sa runway ng NAIA dahil nasa ilalim ng signal number 3 ang Metro-Manila.
“Napakalakas ng hangin at ulan kaya zero visibility ang sinumang pilotong lilipad,” anang airport observer.
Pinapayuhan ang mga pasahero na tumawag sa trunk line ng NAIA sa numerong 8771101 para makipag-ugnayan sa airport authority sa pagbabalik ng normal na operasyon ng runway.
- Latest