^

Bansa

Pagtatanggol sa DAP itigil na! - UNA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si United Nationalist Alliance (UNA) Secretary General Toby Tiangco kay Pangulong Aquino na itigil na ang pagtatanggol sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Dapat anyang mag-move on na ang Pa­ngu­lo at mas tutukan ang kanyang trabaho kaysa sayangin ang kanyang panahon sa pagtatanggol sa iligal na gawain ng kanyang mga tauhan.

Takdang magsalita ngayong araw na ito nang live sa telebisyon ang Pangulo at inaasahang pangangatwiranan niya ang DAP pero marami ang naniniwala na gagamitin niya ang airtime para pabanguhin ang kanyang sarili mula sa mga kapalpakan ng kanyang admi­nistrasyon.

“Hindi mabibigyang-katwiran ng anumang paliwanag ang bagay na maling-mali. Simple lang ang prinsipyo: Walang sino man na mas mataas kaysa sa batas. Hindi nga po kayo gumagamit ng wang-wang pero direkta naman po ninyong nilalabag ang Konstitusyong pinanumpaan ninyong ipagtanggol at itatagu­yod,” sabi pa ni Tiangco.

Ipinagtataka ni Tiangco kung bakit ang Pa­ngulo at ang mga kaalyado nito sa Liberal Party ay nagsasayang ng oras sa pagtatanggol sa DAP na idineklara na ng Mataas na Hukuman na labag sa Konstitusyon.

“Sila mismo sa Administrasyon ang nagsabi na hangad ng Pangulo na ipagpatuloy ang mga reporma sa huling dalawang taon ng kanyang termino. Hinihikayat ko ang Pangulo na gamitin ang dalawang taong ito para mapaangat ang buhay ng ating mamamayan sa halip na ipagtanggol ang DAP. Maraming taong hanggang ngayon ay wala pa ring maayos na malilipatan sa mga lugar na sinalanta ng Yolanda. Maraming umaasa at naghihintay magkaroon ng trabaho,” dagdag niya.

ADMINISTRASYON

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

LIBERAL PARTY

MARAMING

PANGULO

PANGULONG AQUINO

SECRETARY GENERAL TOBY TIANGCO

TIANGCO

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with