^

Bansa

Abad hindi aalis, DAP inako

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos tanggihan ni Pangulong Aquino ang kanyang pagbibitiw, inihayag kahapon ni Budget Secretary Butch Abad na hindi na siya aalis sa puwesto at mananatili na lang sa Department of Budget and Management.

Ayon kay Abad, ba­gaman at nakahanda talaga siyang iwanan ang kanyang puwesto, nagpapasalamat siya at patuloy na nagtitiwala sa kanyang liderato sa DBM ang Pa­ngulo kaya hindi na rin siya aalis.

Inihayag pa ni Abad na pinag-isipan niyang mabuti ang paghahain ng kanyang resignation noong nakaraang Huwebes sa gitna ng kontrobersiya tungkol sa Disbursement Acce­leration Program (DAP) na idineklara ng Supreme Court na unconstitutional.

Inaako niya ang buong responsibilidad sa pagbuo at pagpapatupad ng DAP kaya minarapat niyang siya ay magbitiw pero hindi naman tinanggap ng Pangulo.

Ipinaliwanag pa aniya ng Pangulo na ang pagtanggap sa pagbibitiw ni Abad ay nangangahulugan na nagkamali ang kalihim gayong naging kapaki-pakinabang naman umano ang DAP.

Dagdag ni Abad na determinado siya na patunayan na tama ang naging pagtitiwala ng Pangulo sa kanyang integridad at kakayahan.

“I am determined, as I have always been, to do justice to the President’s faith in my integrity and competence,” ani Abad.

 

vuukle comment

ABAD

AYON

BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD

DAGDAG

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DISBURSEMENT ACCE

PANGULO

PANGULONG AQUINO

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with