Dennis Cunanan humirit ng 'not guilty' sa kasong graft

MANILA, Philippines – Matapos payagang magkaroon ng conditional arraignment, naghain ng not guilty plea si dating Technology Resource Center director general Dennis Cunanan kaugnay ng pork barrel scam.

Dalawang counts ng graft ang kinakaharap na kaso ni Cunanan sa Third Division ng Sandiganbayan matapos siyang ireklamo ng Office of the Ombudsman dahil sa umano'y pakikipagsabwatan niya sa mga mambabatas at kay Janet Lim-Napoles ang itinuturong utak sa likod ng pork scam.

Hiniling ni Cunanan na basahan kaaagad siya ng sakdal para sa kanyang paglabas ng bansa, kung saan secretary general siya ng Junior Chamber International.

Wala pa namang desisyon ang korte kung papayagang makalabas ng bansa si Cunanan.

Show comments