Pagtaas ng presyo ng mga bilihin sisiyasatin sa Senado

MANILA, Philippines - Iimbestigahan ng Senado ang biglang pagtaas ng presyo mga panguna­hing bilihin sa bansa.

Ayon kay Sen. Bam Aquino, lubhang naa­pektuhan ang kakayahang bumili ng publiko, lalo na ang mahihirap, dahil sa biglaan at hindi maipaliwanag na pagtaas ng presyo ng bawang, bigas, gatas at iba pang pangunahing bilihin.

Magkakaroon lamang aniya ng mabisang solusyon sa problema kung makikita ang ugat nito.

Hindi naman inaalis ni Aquino ang posibilidad na nagkakaroon ng sabwatan sa pagitan ng market players na nauwi sa artipisyal na kakula­ngan ng supply at pagsirit ng presyo.

“Ang sinumang mapatutunayang nagmanipula sa presyo at supply ay dapat papanagutin sa batas,” ani Aquino.

Show comments