Deployment ban ng mga OFWs sa Thailand, inalis na ng POEA

MANILA, Philippines - Inalis na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang deployment ban ng mga Overseas Filipino Workers  (OFWs) sa bansang Thailand, bunsod na rin nang pagbaba ng Crisis Alert Level sa nasabing bansa.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo J. Cacdac, naglabas sila ng resolusyon na nagpapahintulot sa pagpapatuloy nang pagproseso at deployment ng OFWs sa Thailand.

Sakop umano nito ang mga nagbabakasyon lamang at mga newly hired OFWs.

“With the Department of Foreign Affairs’ lowering the crisis alert level in Thailand from Alert Level 2 (Restriction Phase) to Alert Level 1 (Precautionary Phase) due to the observation of the Philippine Embassy in Bangkok that the situation in the said country has ‘returned mostly to normal,’ the POEA Governing Board has issued a resolution lifting the ban,” ani Cacdac.

Ang deployment ban ay naging epektibo noong Mayo 21 matapos na itaas ng DFA ang Crisis Alert Level 2 sa Thailand, kasunod nang deklarasyon ng martial law doon.

Ibinaba naman ang alert level nitong nakaraang linggo.

 

Show comments