^

Bansa

Corrupt na pulitiko may ‘10 commandments’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagkadismaya si Most Rev. Teodoro Bacani, Jr. sa mga kinasasangkutang isyu ngayon ng mga pulitiko sa bansa kung saan tila mayroon pa silang “10 kautusan”.

Sa kanyang pagsasalita sa Sta. Cruz church ka­hapon, sinabi ni Bacani na hindi na ngayon isinasaalang-alang ng mga pulitiko ang tunay na kautusan ng Panginoon at sa halip ay dinagdagan pa para sa kanilang sariling kapakanan.

Nakakalungkot anya na marami sa mga pulitiko ang pansarili lamang ang iniisip at binabalewala ang interes at kinabukasan ng kapwa.

Inilahad ni Bacani sa kanyang pagsasalita sa mara­ming Katoliko sa nasabing simbahan ang tila panuntunan o ’10 commandments’ ng mga pulitiko sa ngayon.

Kabilang dito ang 1. ‘Magpayaman Ka’, 2. ‘Huwag Kang Papahuli,’ 3. ‘Huwag Kang Aamin’, 4. ‘Huwag Makipagkompromiso’, 5.  ‘Idadamay ko kayo’, 6 ‘Patayin o Sunugin’, 7. ‘Patagalin ang kaso’, 8. ‘Tumakas,’ 9. ‘Magpa-ospital’ at 10 ‘Magbaril sa sarili.’

Sinabi ni Bacani na hindi na nahihiya ang mga pulitiko na gumagawa ng pagsasamantala habang marami sa mga Pilipino ang  nananatiling hirap gayundin ang mga  apektado ng kalamidad na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakakabangon.

Gayunman, nananawagan pa rin si Bacani sa pa­mahalaan at mga pulitiko na isaisip at isapuso ang 10 Salita ng Diyos upang hindi malihis ng landas.

 

BACANI

CRUZ

HUWAG KANG AAMIN

HUWAG KANG PAPAHULI

HUWAG MAKIPAGKOMPROMISO

MAGPAYAMAN KA

MOST REV

TEODORO BACANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with