^

Bansa

Alert level 4 sa Iraq: Mga Pinoy sapilitan nang ililikas

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sapilitan nang ililikas ang mga Pinoy sa Iraq matapos itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis alert level 4 sa nasabing bansa.

Ayon sa DFA, dahil sa pagtaas ng security situation sa Iraq, lubhang mapanganib na sa buhay ng mga Pinoy na nakatira at nagtatrabaho doon.

Sa ilalim ng alert level 4, ipatutupad ang mandatory evacuation sa lahat ng mga Pinoy kabilang ang mga overseas Filipino workers sa Iraq maliban lamang sa Iraqi Kurdistan Region na nananatiling nasa alert level 1 o precautionary phase.

Ang Kurdistan ay na­na­natiling kalmado at matatag ang sitwasyon. 

Ang sapilitang paglilikas sa mga Pinoy sa Iraq ay popondohan ng gobyerno kabilang na ang kanilang airfare.

Bukod dito, ipinatutupad din ng gobyerno ang total deployment ban para sa OFWs sa Iraq.

 

ANG KURDISTAN

AYON

BUKOD

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

IRAQ

IRAQI KURDISTAN REGION

PINOY

SAPILITAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with