Malacañang: House arrest nina Jinggoy at Bong Sandiganbayan na bahala
MANILA, Philippines — Pinapaubaya na ng Palasyo sa Sandiganbayan kung saan ikukulong sina Senador Jinggoy Estrada at Ramon “Bong†Revilla na kapwa nahaharap sa kasong plunder at graft dahil sa pork barrel scam.
Sinabi ni Presidential Communication Operations Office head Herminio Coloma Jr. ngayong Miyerkules na malaki ang tiwala nila sa magiging desisyon ng anti-graft court.
"Nasa pagpapasya na po iyan ng hukuman at umaasa po tayo na gagawin ng Sandiganbayan ang kanilang tungkulin nang naaayon sa batas," pahayag niya.
Kaugnay na balita: Jinggoy mas gusto ang house arrest
Bukod kay Estrada at Revilla, dawit din sa kaso si Senador Juan Ponce Enrile na pawang inilaan ang mga kanilang Priority Development Assistance Fund sa mga pekeng non-government organization ni Janet Lim-Napoles.
Sinabi kahapon ni Estrada na kung siya ang tatanungin ay mas nais niyang ma-house arrest, ngunit alam niyang imposible ito.
"Kung doon kami ilalagay sa Camp Crame, walang problema. Kung sasabihin ng Sandiganbayan na sa regular jail kami kasama ng mga ordinaryong kriminal o nagkasala, wala tayong magagawa," wika niya sa “Unang Balita†ng GMA7.
"Kahit saan, wala naman tayong karapatan na magdikta kung saan ko gustong makulong. Eh siyempre kung ako masusunod, dito na lang sa bahay, house arrest. Pero imposible yatang mangyari iyon."
- Latest