^

Bansa

Pagkuwestiyon sa posisyon ni Lacson ibinasura ng SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng paglikha sa tanggapan na pinamumunuan ni dating senador at ngayon ay Rehabilitation Czar Panfilo Lacson.

Sa Supreme Court en banc session kaha­pon, pinawalang-saysay ang apela ng nagpapakilalang taxpayer na si Louis Biraogo sa itinatag na tanggapan ni Pangulong Aquino para kay Lacson dahil hindi naman ito nakitaan ng pag-abuso sa panig ng Pangulo nang ipalabas ang Memorandum Order No. 62 na lumikha sa Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery.

Sa petition for certiorari ni Biraogo, tinukoy nito na nilalabag ng Memo 62 ang Republic Act 101-21 na lumikha sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Naniniwala si Biraogo na hindi na kailangan pang lumikha ng bagong tanggapan ang Pangulo para tutukan ang post-disaster rehabilitation programs ng gobyerno.

Maituturing din umano na ang Memo 62 ay pagsapaw sa legislative power ng Kongreso na nagpasa sa RA 101-21.

Hindi rin umano maa­ring iatang ng Pangulo sa bisa ng Memo 62 sa isang presidential assistant ang kapangyarihan na ginagampanan ng Secretary of Defense sa ilalim ng RA 101-21 na nagtatalaga sa kan­ya nilang pinuno ng NDRRMC.

BIRAOGO

KORTE SUPREMA

LOUIS BIRAOGO

MEMORANDUM ORDER NO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

OFFICE OF THE PRESIDENTIAL ASSISTANT

PANGULO

PANGULONG AQUINO

REHABILITATION AND RECOVERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with