^

Bansa

Jueteng raid ng NBI nasopla

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walong ahente ng Na­tional Bureau of Inves­tigation ang inareso at ilang oras na nakulong ka­makailan sa presinto ng pulisya ng Lasam, Cagayan dahil sa mga kasong kidnapping, robbery at paglabag sa domecile.

Kinilala ang mga ahente na sina Levi Omar M. Orille; Joseph Eufemio F. Martinez; Jose Rommel Ramirez; Nelson Moreno; Ferdinand Manuel; Edgardo Ka­wada; Allan Ele­fante at Michelle Fernandez na pawang nakatalaga sa Maynila.

Sinasabi sa report ni Lasam Police Chief C/Insp. Gasmen Felix na inaresto sa Barangay Callao­ Norte ng Lasam ang wa­long ahente ng NBI noong umaga ng Mayo 29 dahil sa reklamo laban sa kanila nina Isaac Agatep Jr., ama ni Lasam Councilor John Isaac Agatep III, at ng 11 pang katao.

Nauna rito, inaresto ng naturang mga NBI agent ang grupo ni Aga­tep dahil sa paglabag uma­no ng mga ito sa Presidential Decree 1602 (illegal gambling).

Pero lumabag umano sa batas ang ginawang operasyon ng mga ope­ratiba ng NBI dahil wala silang koordinasyon sa lokal na pulisya, dinukot pa raw nila si Agatep Jr.. Ginipit din umano nila ang grupo nina Agatep at tinangay ang pera ng mga ito.

Ilang oras nakulong ang mga NBI agent pero pinalaya rin sila kinala­unan ng mga pulis matapos ibasura ng prose­cutors office ng Lasam ang mga kaso laban sa kanila.

Samantala, nabatid sa ilang intelligence report na ilang miyembro ng NBI ang inaakusahang protektor umano ng illegal na sugal na pinamamahalaan ng isang big-time gambling lord sa ilang lalawigan kabilang ang Cagayan. 

Pinaaaresto umano sa ilang miyembro ng NBI ng naturang big-time gambling lord ang kakumpetensiya nito sa illegal gambling nitong negosyo.

AGATEP JR.

ALLAN ELE

BARANGAY CALLAO

BUREAU OF INVES

EDGARDO KA

FERDINAND MANUEL

LASAM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with