Miriam nagbitiw bilang hukom sa ICC
MANILA, Philippines – Iniwan na ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang kanyang puwesto bilang hukom sa International Criminal Court (ICC), tatlong taon matapos siyang iluklok sa prestihiyosong organisasyon.
Sinabi ni Santiago sa kanyang liham kay ICC President Sang Hyun Song na kailangan niyang iwanan ang puwesto dahil sa kanyang iniindang sakit.
“Pursuant to my commitment, I hereby confirm that the Court should proceed on the basis that I am stepping down as elected judge,†sabi ni Santiago sa liham.
Iniluklok si Santiago noong Disyembre 2011 ngunit hiniling sa hukuman na ipagpaliban ang pagtalaga dahil sa gumugulong na imbestigasyon sa pork barrel scam.
Binigyan ng Senadora ng kopya ng kanyang liham si Pangulong Benigno Aquino III.
Senate photo
- Latest