Para ‘di kapusin sa tubig: Maliliit na dam, reservoir itinayo
MANILA, Philippines - Umaabot sa 25 mga maliit na dam o small reÂservoir irrigation ang patuloy na ipinatatayo ng National Irrigation Administration (NIA) sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao upang makatulong na ‘di kapusin ang mamamayan sa suplay ng tubig dulot ng mainit na panahon.
Una nang natapos ang pagpapagawa sa 13 maliliit na dam sa Rosales at Bani, Pangasinan gayundin sa Palayan City at Lupao ng Nueva Ecija; Samal, Bataan; Batad, Iloilo, Ubay at Talibon sa Bohol gayundin sa Zamboangita, Negros Oriental at Bansalan, Davao del Sur.
Sinabi ni Engr. Claro Maranan, administrator ng NIA, ang maliliit na dam ang tutulong na mapunan ang mataas na paÂngangailangan ng publiko sa malinis na inuming tubig at suplay para sa mga sakahan.
Ang hakbang ay paghahanda na rin ng ahensiya sa inaasahang epekto ng El Niño sa bansa o panahon ng tagtuyot na inaasahang papasok sa Hunyo.
Bagamat sapat pa ang tubig na pangsuplay sa Metro Manila mula Angat dam, ibinaba na lamang nila sa dating 26,000 ektarya sa 22,000 ektarya ng sakahan ang sinusupÂlayan ng tubig sa mga irrigated lands sa Pampanga at Bulacan mula Angat dam.
Nagsasagawa din anya ang NIA ng cloud seeding sa bahagi ng mga dam sa bansa laluna sa may Angat para makatulong ito na makalikha ng ulan na kailangan doon.
- Latest