^

Bansa

45 opisyal ng E. Visayas kinondena si VP Sara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinondena ng mga opisyal ng Eastern Visayas si Vice President Sara Duterte kaugnay ng mga birada nito kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pinangunahan nina Leyte Rep. Anna Victoria Veloso-Tuazon, Biliran Rep. Gerardo Espina Jr. at Samar Representatives Reynolds Michael Tan at Stephen James Tan ang 45 opisyal ng Eastern Visayas ang paglalabas ng Joint Manifesto of Indignation kung saan kanilang sinabi na ang inasal at mga paha­yag ni Duterte ay insulto sa mga Waray at kanilang mga lider.

Tinuligsa ni Duterte si Romualdez, isang Waray at pinsan ni Marcos, sa gitna ng imbestigasyon ng Kamara sa umano’y maling paggastos sa confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at DepEd na may kabuuang halagang P612.5 milyon. Sinabi ni Duterte na mayroon itong kinausap upang patayin si Marcos, FL Liza at Romualdez.

Iginiit din sa pahayag na ang iresponsableng pahayag ni Duterte ay sumisira sa pagkakaisa ng administrasyon at nagpapaguho sa tiwala ng mga Pilipino sa panahon kung kailan kailangan ang pagkakaisa at kooperasyon.

Naglabas din ng manifesto ng pagsuporta kay Romualdez ang pitong mayor ng unang distrito ng Leyte at tahasang tinuligsa ang walang basehan at malisyosong akusasyon ni Duterte.

Pinuri rin nila ang Speaker sa kanyang pagsusulong sa paglilingkod sa bayan, at kinilala ang kanyang trabaho na kilala sa “diligence, transpa­rency, and unwavering dedication to the greater good of the nation.”

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with