MANILA, Philippines - Tatlo pang tauhan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services AdmiÂnistration (PAGASA) ang nagsipagbitiw sa puwesto para magtrabaho sa abroad.
Una nang nagbitiw noon ang may mahigit 10 tauhan ng PAGASA sa pangunguna ng hepe nitong si Frisco Nilo at weather specialist NaÂthaniel Cruz na ngayo’y weather forecaster sa GMA-7.
Sinabi ni Ramon Agustin, presidente ng Philippine Weathermen Employees Association (PWEA), nag-resign sina Bernie de Leon at Ralph Ricahuerta, kapÂwa weather forecaster at Ralph Suquila, communications engineer at umalis na noong Linggo dahil pinirata sila ng Qatar Bureau of Meteorology.
Sina de Leon at Ricahuerta ay magsisilbing airport forecaster habang si Suquila ay communications specialist doon.
Sinasabing noong isang taon pa nais mag-resign ng tatlo pero hindi itinuloy dahil pinangakuan ang mga ito ng ahensiya na maibibigay ng kanilang benepisyo.
Pero inabot na ng anim na buwan ay hindi naibibigay ang kanilang hazard pay kaya nagdesisyon ang mga itong lisanin ang trabaho.
Binigyang diin ni Agustin na malaking kawalan ang tatlo sa kanilang hanay. Anya si de Leon ang isa sa mga gumagawa ng rainfall warning system, habang si Ricahuerta naman ay nakadestino sa aviation meteorology service sa NAIA habang si Suquila ay isa sa mga namamahala ng doppler radar at met satellite system.
Anya, may apat pang weathermen ang pina-pirate sa Middle East pero tinanggihan ang alok.
Idinadaing umano ng mga nagbibitiw sa ahenÂsiya ang mababang sahod at hindi naipagkakaloob na benepisyo sa kabila na ang mga emÂÂpleado sa mga government owned and conÂtrolled corpoÂration sa bansa ay sobrang taas ng sahod at milyong halaga pa ang mga benepisyo tulad na lamang sa mga opisyales ng Social Security System.