^

Bansa

Angat Dam bumagsak sa below critical level

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumaba na sa below critical level ang tubig sa Angat Dam kahapon. 

Ayon sa Manila Water Company, water concessionaire na nagsusuplay ng tubig sa east zone ng Metro Manila, alas-8 ng umaga kahapon ay umabot sa 178.53 meters ang water level sa Angat na mas mababa pa sa critical level na 180 meters.

Umaabot naman sa 77.96 meters ang water level sa La Mesa dam, samantalang sa Ipo dam ay umabot sa 99.45 meters.

Ang tubig sa Angat Dam ay napupunta sa Ipo Dam hanggang sa La Mesa Dam sa Quezon City na nagbibigay ng 97 percent ng tubig sa Metro Manila habang ang ibang tubig mula sa Angat ay dumadaloy sa Bustos Dam sa Bulacan gayundin sa mga irriga­ted farmlands sa Bulacan at Pampanga.

Noong 2010 umabot ang pinaka mababang water level ng Angat dam sa 157.56 meters.

Bunga ng pagbaba ng water level sa mga pa­ngunahing dam, inanunsiyo naman ng Maynilad, water concessionaires na taga suplay ng tubig sa west zone ng Metro Manila na asahan na ang pagkawala ng suplay ng tubig sa mga lugar na sinusuplayan nito. 

Pinapayuhan din ng Maynilad ang publiko na magtipid sa paggamit ng tubig dahil sa posibleng pagbaba pa ng antas ng tubig na magmumula sa mga major dams partikular na sa Angat dam dulot ng pahayag ng PAGASA sa napipintong pagpasok ng El Niño phenomenon o panahon ng tagtuyot sa buwan ng Hunyo.

ANGAT

ANGAT DAM

BULACAN

BUSTOS DAM

DAM

EL NI

METRO MANILA

TUBIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with