MANILA, Philippines - Inatasan ng Pangulong Benigno Aquino III si Justice Sec. Leila de Lima na pag-aralang mabuti kung puwedeng buhayin muli at isampa sa korte ang kaso laban sa dating Pangulo na ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa pagkakasangkot nito sa fertilizer fund scam.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, inatasan na ni Pangulong Aquino si Sec. de Lima na rebyuhin ang nabasurang graft case ni dating Pangulong Arroyo kaugnay sa P728-milyong fertilizer fund scam.
Ayon kay Sec. LacierÂda, mismong si Pangulong Aquino ay nagsabi na pag-aaralan muna ng legal team ng administrasÂyon kung ano ang puwedeng gawin matapos na ibasura ng Ombudsman ang graft case ni Mrs. Arroyo kaugnay ng fertilizer fund scam.
Magugunita na mismong ang abugado ng whistleblower na si Benhur Luy ay nagsabing handa ang kanilang kliÂyente na ibunyag ang nalalaman nito tungkol sa fertilizer fund scam na umano’y sangkot si GMA
I will confirm first whether that’s the statement of Benhur’s lawyer. Also, I have been instrucÂted by the President to review the case with the end in view of refiling the case, if it is still feasible and warranted,†pahayag ni Sec. de Lima.
Magugunita na kamakailan lamang ay ibinasura ng Ombudsman ang graft case ni Pampanga Rep. Arroyo kaugnay ng pagkakasangkot nito sa fertilizer fund scam dahil sa kawalan ng sapat na ebedinsiya na magdidiin sa dating Pangulo.
Una dito ay ibinasura rin ng Ombudsman ang kasong pandarambong laban kay GMA kaugnay ng P1 bilyong Libmanan-Cabusao Dam at Skybridge 1 and 2 projects sa Camarines Sur.
Noong 2013, ibinasura rin ng anti-graft body ang plunder case laban kay GMA kaugnay ng P530-milyong pondo ng Overseas Worker’s Welfare Administration (OWWA) para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW).