MANILA, Philippines - Hindi na nakakatulog si Justice Sec. Leila de Lima dahil sa kontrobersiyal na affidavit ni Janet Lim-Napoles na naglalaman ng iba pang mga paÂngalan ng mga opisyal ng gobyerno na isinasangkot sa multi-billion peso pork barrel scam.
Bunsod umano ito ng kaliwa’t kanang pressure sa tanggapan ni de Lima na isapubliko na ang nilalaman ng salaysay ni Napoles upang malaman ng publiko kung sino-sino pa ang mga sangkot sa maanomalyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) bukod kina Senators Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile at Bong Revilla.
Nauunawaan umano ni de Lima na marami ang interesado sa kahihinatnan nang pagsisiwalat ni Napoles lalo’t kinasasangkutan ito ng matataas na opisyal ng pamahalaan.
Gayunman pinanindigan ng kalihim na hindi pa napapanahon na isapubliko ang tinaguriang “Napoles list†dahil kailangan pa nilang kumpletuhin ang salaysay ng umano’y isa sa utak ng pork barrel scam.
May hinihintay pa raw silang mga ebidensya at karagdagang testimonya mula kay Napoles upang maging detalyado ang pagbubunyag nito sa mga taong isinasangkot sa isyu.
Pero kung hindi umano makapaghintay ang taongbayan ay maari namang si Napoles na mismo ang direktang magsalita sa publiko dahil hindi naman siya pinagbabawalan ng DOJ na isiwalat ang kanyang nalalaman sa pork barrel scam.
Kasabay nito kinumpirma ni de Lima na tumutugma ang mga testimonya ni Napoles sa naunang salaysay ng mga whistleblowers tulad ni Benhur Luy.
Bagamat may mga bago umanong sinabi ang tinaguriang “pork barrel queen†na hindi matatagpuan sa affidavits ng mga whistleblowers kaya’t ito umano ang kanilang tinututukan para magkaroon ng ebidensya.
Sa ngayon ay hindi pa masabi ni de Lima kung kailan nito ilalabas ang testimonya ni Napoles kasabay nang pagtitiyak na hindi pakikialaman, lilinisin o kaya ay “isa-sanitize†ang Napoles list.