^

Bansa

3 senador kakasuhan na ngayong linggo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isasampa na ngayong linggo ang kasong plunder sa Sandiganbayan laban kina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla.

Sinabi ni Revilla na may nakuha siyang impormasyon mula sa isang mapagkakatiwalaang source na gagawin ang pagsasampa ng kaso upang mapabilis ang pagpapakulong sa kanila at mapagtakpan ang isyu ng pagpapalabas ng listahan ng iba pang sangkot sa pork barrel fund scam na hawak ni Justice Sec. Leila de Lima.

Hinamon pa ni Revilla ang gobyerno na bilisan na ang pagpapakulong sa kanila dahil masyado na rin siyang napapagod.

Sa sandali anyang maisampa na ng Ombudsman ang kasong plunder laban sa kanilang tatlo agad itong ira-raffle at magpapalabas ng warrant of arrest.

Muling iginiit ni Revilla na isang “political persecution” ang nangyayari sa kanila pero umaasa siya na lalabas pa rin ang katotohanan.

BONG REVILLA

HINAMON

ISASAMPA

JINGGOY ESTRADA

JUSTICE SEC

LEILA

REVILLA

SANDIGANBAYAN

SENATE MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with