^

Bansa

NBI: Cornejo tinutunton na, 1 pa suspek sa kaso ni Vhong susuko na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Alam na ng National Bureau of Investigation ang posibleng pinagtataguan ng modelong si Deniece Cornejo na nagtatago sa kasong serious illegal detention dahil sa pambubugbog sa TV host na si Vhong Navarro.

Sinabi ni NBI-National Capital Region Assistant Regional Director Vicente De Guzman III na may impormasyon na sila sa pinaglalagian ng modelo ngunit ayaw nilang talakayin pa ito.

Samantala, sinabi naman ni  NBI Deputy Director Rafael Ragos na nagbigay ng “surrender feeler” ang isa pa sa mga suspek na si Jed Fernadez.

Kaugnay na balita: Cedric Lee arestado!

Inanunsyo ng NBI ang mga bagong kaganapan sa kaso ni Navarro matapos iharap sa mga mamamahayag ang una nang nadakip na sina Cedric Lee at Simeon Raz.

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, tila walang kinakaharap na kaso sina Lee at Raz nang humarap sa mga mamamahayag dahil sa kanilang pagngiti at minsa'y pakikipagbiruan sa mga reporter.

Walang piyansa ang serious illegal detention na kaso.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawa sa NBI Detention Facility habang inaantay ang commitment order na ilalabas ng Regional Trial Court.

Naaresto sina Lee at Raz ng pinagsamang puwersa ng NBI,  Intelligence Services ng Armed Forces of the Philippines (ISAFP)  nitong Sabado sa Oras, Eastern Samar.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

DEPUTY DIRECTOR RAFAEL RAGOS

DETENTION FACILITY

EASTERN SAMAR

INTELLIGENCE SERVICES

JED FERNADEZ

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION ASSISTANT REGIONAL DIRECTOR VICENTE DE GUZMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with