^

Bansa

Pagbalasa sa COA hingi ng solon

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan si Ba­yan Muna Rep. Neri Colmenares kay Pangulong Aquino na magsagawa ng malawakang pagbalasa sa Commission on Audit dahil ito umano ang missing link kung bakit nakapagsagawa ng kahina-hinalang operasyon sa Priority Development Assistance Fund ang negosyanteng si Janet Napoles sa loob ng maraming taon nang walang sagabal.

“Bukod sa mga senador, kongresista, mga opisyal ng ahensiya/departamento, traders at middle men, dapat lamanin din ng affidavit ni Napoles ang kanyang mga kontak sa COA,” sabi ni Colmenares.

Ito anya ay dahil ang mahigit 10 taong operasyon ni Napoles ay napagtakpan at hindi nasisilip.

“Sa lawak ng anomalya sa PDAF, oras nang magsagawa ng malawakang pagbalasa sa COA. Isailalim ito sa mahigpit na pagmamanman at parusahan ang mga tiwa­ling opisyal at empleyado dahil, kung hindi, sino ang magbabantay sa mga ta­gapagbantay?” sabi pa ng mambabatas.

Sinabi pa ni Colmenares na dapat itigil na ni Napoles ang mungkahi niyang maging isa itong state witness. Tutukan na lang anya ni Napoles ang pagsasabi ng buong katotohanan sa kanyang operasyon at pakikialam sa pera ng sambayanan.

BUKOD

COLMENARES

ISAILALIM

JANET NAPOLES

MUNA REP

NAPOLES

NERI COLMENARES

PANGULONG AQUINO

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with