Pag-abswelto sa sex for flight official kinondena
MANILA, Philippines - Kinondena ng Gabriela partylist group ang ginawang pag-abswelto ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Filipino labor official sa Riyadh na idinidiin sa kaso ng sex for flight.
Sinabi ni Gabriela Rep. Emmie de Jesus, maituturing na “unfortunate gift†para sa mga overseas Filipino Workers (OFWs) sa darating na labor day ang pagpapalusot kay dating assistant labor attache Antonio Villafuerte.
Base sa committee on decorum and investigation ng DOLE, kulang umano sa factual basis laban sa sinasabing sexual harrassment ni Villafuerte sa mga Pinay workers kaya ni-reprimand lamang ito.
Dahil dito kaya nangangamba si de Jesus na masasanay ang iba pang labor officials na gumawa ng mga kalokohan laban sa mga OFW matapos kampihan ng DOLE si Villafuerte.
Patunay din umano ito na mayroong anti-worker policies ang administrasyong Aquino.
Matatandaan na base sa reklamo ng ibat-ibang distressed Pinoy workers, nag-aalok umano ng plane ticket pabalik ng Pilipinas ang mga labor official kapalit ng pakikipagtalik.
Bukod dito may mga malalaswang biro din umano ang mga embassy officials sa mga Pinay na gamit ang mga salitang “salungki†at “salungsoâ€.
- Latest