^

Bansa

Pagpunta sa Hong Kong ni Sec. Almendras may basbas ng Pangulo

Rudy Andal, Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inamin ng Malacañang na may basbas mismo ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagpunta ni Secretary to the Cabinet Rene Almendras sa Hong Kong kung saan ay nakipagpulong pa ito kay Manila Mayor Joseph  ‘Erap’  Estrada.

Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr. sa media briefing, nagtungo kamakalawa ng gabi si Sec. Almendras sa Hong Kong bilang kinatawan ng gobyernong Aquino upang ayusin ang anumang hindi pagkakaunawaan hinggil sa 2010 Manila hostage incident.

Naunang nagtungo kamakalawa si Mayor Estrada sa HK kung saan ay sinabi nitong hihingi siya ng apo­logy bilang kinatawan ng Manila City government sa nangyari sa Manila hostage noong 2010 kung saan ay 8 HK nationals ang nasawi.

Ayon kay Coloma, puspusan ang pagsisikap ng gobyerno na matamo ang closure sa nangyari sa 2010 Manila hostage incident at magkaroon ng mutually satisfactory conclusion ito.

Kaugnay nito ay inalis na ng Hong Kong ang travel ban sa mga OFW at iba pang sunction na ipinataw ng nasabing bansa makaraang maging ‘mabunga’ ang pakikipagpulong at paghingi ng paumanhin ni Mayor Estrada sa mga opisyal ng nasabing bansa dahil sa naganap na Manila hostage drama noong 2010.

ALMENDRAS

AQUINO

CABINET RENE ALMENDRAS

HERMINIO COLOMA JR.

HONG KONG

MANILA CITY

MANILA MAYOR JOSEPH

MAYOR ESTRADA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with