^

Bansa

Mga residente sa Romblon binalaan sa diarrhea

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga naninirahan sa munisipalidad ng Cajidiocan at San Fernando, Romblon na umiwas na maapektuhan ng diarrhea na sinasabing nakapagtala ng 176 sa loob ng dalawang buwan.

Ayon kay DOH-Regional Office IV-B Director Eduardo C. Janairo, ang naturang sakit ay dulot ng bacteria, parasite o virus na madaling ikalat ng person-to-person at ang tanging paraan upang maiwasan ito ay ang pagkakaroon ng personal hygiene tulad nang regular na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig at regular na paliligo.

Sa 176 diarrhea cases, dalawa sa mga ito ay na­matay. Kabilang sa mga apektadong barangay ang Taclobo, Mabulo, Espana, Poblacion, Azagra, Otod, Mabini, Campalingo, Danao, Panangcalan, Canjalon, Pili at Sugod. Edad apat na buwan hanggang 78 taong gulang ang mga biktima na karamihan ay mga lalaki.

Kabilang sa sintomas ng sakit ay paglulusaw at madalas na pagdumi, pagsusuka, paglalim ng mga mata, panunuyo ng labi at balat. May ilan naman umanong nagkakaroon ng lagnat at pamamaga sa balat.

Karaniwang pinagmumulan ng diarrheal diseases ay maruming tubig-inumin at maruming pagkain.

AYON

AZAGRA

B DIRECTOR EDUARDO C

CAJIDIOCAN

CAMPALINGO

DEPARTMENT OF HEALTH

KABILANG

REGIONAL OFFICE

SAN FERNANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with