Domeng LPA na lang

MANILA, Philippines - Mula sa pagiging bagyo ay ganap na lamang na isang low pressure area ang bagyong Domeng dulot ng paghina nito.

Huling namataan ang LPA sa layong 350 kilo­metro silangan hilagang silangan ng Hinatuan, Su­rigao del Sur at kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na limang kilometro kada oras.

Gayunman, ang na­turang LPA ay patuloy na magdudulot ng kalat kalat na pag-uulan sa Caraga, Davao at Eastern Visayas at maging sa lalawigan ng Misamis Oriental. 

Ang nalalabing bahagi ng bansa kasama ang Luzon partikular ang Metro­ Manila ay pa­tuloy na ma­kakaranas ng maalinsa­ngang panahon.

Show comments