^

Bansa

LP bumuwelta sa oposisyon

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binuweltahan ng Li­beral Party (LP) ang oposisyon kaugnay sa pagbuhay sa umanoy isyu ng extortion sa Metro Rail Transit (MRT).

Ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone na isa rin sa spokesman ng LP, may naamoy siyang hindi maganda sa planong imbestigasyon sa umanoy nasabing isyu.

Duda rin ni Evardone na isang fishing expidition in aid of 2016 election ang nasabing hakbang kayat pinipilit ng oposisyon na i-ugnay ang kanilang partido sa naturang kontro­bersiya subalit mabibigo lamang umano ang mga ito dahil wala naman ki­nalaman ang kanilang partido dito.

Sa kabila nito nilinaw naman ng mambabatas, na hindi kukunsintihin ng kanilang partido ang sinuman na sangkot na opisyal o miyembro nila sa anumang korupsyon kaya handa umano sila sa anumang imbestigasyon upang lumabas ang katotohanan.

Matatandaan na nagbabala si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na ipapa contempt si DOTC Secretary Jun Abaya at MRT general Manager Al Vitangcol III sa sandaling hindi dumalo ang mga ito sa isasagawang pagdinig sa Kamara.

 

 

AYON

BAYAN MUNA REP

BEN EVARDONE

BINUWELTAHAN

EASTERN SAMAR REP

MANAGER AL VITANGCOL

METRO RAIL TRANSIT

NERI COLMENARES

SECRETARY JUN ABAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with