^

Bansa

Tax incentives sa 1st time home buyers

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng tax incentives ang mga nais bumili ng bahay sa unang pagkakataon.

Sa Senate Bill 2148 na inihain ni Senator Edgardo “Sonny” Angara, sinabi nito na marapat lamang na tulungan ng gobyerno ang mga mamamayan na magkaroon ng kanilang sariling tahanan.

Sa nasabing panukala na tatawaging Home Mortgage Relief Act of 2014 kapag naging batas, nais ni Angara na ibigay ang tax incentives sa mga first-time home buyers sa pamamagitan ng pagbawas sa interest ng utang bilang individual income tax incentive.

Binanggit ni Angara na maraming mga real estate developers ang nag-aalok ng mababang payment terms sa mga potensiyal na home buyers pero kakaunti lamang ang kumukuha dahil sa “financing aspect” ng proseso.

Kung tatanggalin ani­ya ang interest rates sa babayaran ang matitira na lamang ay ang principal amount ng property kaya mas marami ang kukuha ng bagong bahay.

Dapat lamang magpakita ang kuwalipikadong taxpayer na ito ang unang pagkakataon na bibili siya ng bahay na may minimum value na P2.5 milyon.  

Magkakaroon din ng karagdagang benepisyo kung ang bibili ay isang solo parent at kung ang orihinal nitong tahanan ay nasira ng kalamidad o naapektuhan ng proyekto ng gobyerno.

ANGARA

BINANGGIT

DAPAT

HOME MORTGAGE RELIEF ACT

ISINUSULONG

MAGKAKAROON

SA SENATE BILL

SENADO

SENATOR EDGARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with