MANILA, Philippines - Hiniling ng isang consumer group sa liderato ng Philippine National Police (PNP) na sundin ang naging panawagan ni Pangulong Aquino sa mga PNPA graduates na huwag mangotong at huwag magnegosyo sa pulisya bagkus ay unahin ang paglilingkod sa taumbayan.
Sinabi ng Coalition of Filipino Consumers sa pamamagitan ng secretary general nitong si Jaime Tagalog na dapat lamang sundin ng lideraÂto ng PNP ang naging panawagan ni Pangulong Aquino sa ginawang PNPA graÂduation rites kamakailan na itigil ang ‘pangongotong’.
Tinuligsa ng grupo ang desisyon ng PNP na ituloy pa rin ang pagkuha sa Werfast Inc. bilang courier service nito sa pag-deliver ng mga Âlicense cards sa mga gun holders sa buong bansa.
Magugunita na sa kabila ng pagtuligsa ng iba’t ibang sector at gun clubs sa bansa sa hakbang na ito ng PNP na kunin ang Werfast bilang courier service sa pag-deliver ng mga license cards ay itutuloy pa rin nito. Inakusahan ang Werfast ng overpricing bukod sa kwestyonableng registration papers nito.
“Consumers are getting a double whammy from the PNP leadership by persecuting legitimate gun owners whose only fault is wanting to obey the laws. Events in the past few days, including the daytime robberies in malls and attacks on bus terminals have shown that the PNP is clearly more interested in maÂking money instead of preventing crime and going after well armed crimiÂnals,†wika pa ni Tagalog sa kanilang statement.
Ipinagtanggol naman ni PNP chief Alan Purisima ang pagkuha sa Werfast bilang courier service nito sa kabila ng mga pagbatikos sa nasabing kontrata.
Kinuwestyon sa Korte Suprema kamakailan ng 2 gun club enthusiasts na Gun Owners in Action (Go Act) at Peaceful Responsible Owners of Guns Inc. (PRO Gun) ang legalidad ng bagong ipinapatupad na rules ng PNP sa pag-isyu ng gun license kaugnay sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2013.
Ayon sa PRO Gun, ang outsourcing ng firearm license delivery sa pamamagitan ng pagkuha sa courier service ay labag sa due process.