MANILA, Philippines – Pinayagan ng Sandiganbayan na makasama ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga representative Gloria Macapagal Arroyo ang kanyang pamilya sa kanyang kaarawan.
Hinayaan ng anti-graft court na manatili ang pamilya ni Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) mula Abri 4 hanggang Abril 6.
Ipagdiriwang ni Arroyo ang kanyang ika-67 na kaarawan sa Sabado.
Kaugnay na balita: CGMA humirit makasama ang pamilya sa b-day sa VMMC
Kinakailangan pang umapela ni Arroyo sa Sandiganbayan alinsunod sa patakaran para sa kanyang seguridad.
Naka-hospital arrest ang dating Pangulo sa VMMC dahil sa kasong pandarambong.
Tumagal ng siyam na taon ang kanyang panunungkulan sa puwesto na nagsimula noong Enero 2001 hanggang Hunyo 2010.