CGMA humirit makasama ang pamilya sa b-day sa VMMC
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa Sandiganbayan na bigyan ang kanyang pamilya ng tatlong araw na pass sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) para sama-sama nila doong ipagdiwang ang kanyang ika-67 taong kaarawan sa April 5.
Nakasaad sa kanyang urgent motion na mabigyan ang kanyang pamilya na manatili sa Veterans hospital mula April 4 hanggang April 6.
“To commemorate her 67th, Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo fervently wishes and desires to be and spend time with members of her immediate family and relatives,†nakasaad sa kanyang mosyon.
Ang kahilingan ni Mrs. Arroyo ay naisampa kahapon sa Sandiganbayan matapos isnabin noong nakaraang linggo ng graft court ang naunang request na payagan siyang maipagdiwang ang kanyang birthday sa kanyang hometowm sa Pampanga.
Si Arroyo ay naka-hospital arrest sa Sandiganbayan dahil sa kasong plunder bunga ng PCSO fund scam at ZTE deal.
Inaasahan namang tatalakayin ngayong umaga ng anti-graft court ang mosyon ni Arroyo.
Una ng ibinasura ng Sandiganbayan ang hiÂling ni Arroyo na makauwi sa Pampanga para doon magdiwang ng kanyang kaarawan.
- Latest