^

Bansa

Public school students, may dagdag benebisyo sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippine s- Upang mahiyakat ang maraming kabataan na makapagtapos sa pag-aaral, magkakaloob ang Quezon City  government ng dagdag na benepisyo sa mga estudyante tulad ng mga educational supplies at materials bukod sa libreng edukasyon sa mga public elementary at high schools sa lungsod.

Ito ay makaraang lagdaan ni QC Mayor Herbert M. Bautista  ang ordinansa bilang 2269 S-2014 na nagtatag sa  basic education enhancement program o kilala sa tawag na  “The Basic Education Enhancement Program of QC” na iniakda ni 4th district Councilor Jesus Manuel C. Suntay.

Hinihikayat ng  nalagdaang ordinansa ang mga mahihirap na mag-aaral na mag-apply sa programa para sa kumpletong educational at miscellaneous school supplies at materyales depende sa kanilang  grade o year level.

Nilinaw ni Councilor Suntay na hindi requirement dito ang mataas na grado sa paaralan dahil layunin ng programang ito na mapagtapos ang mga kabataang mag- aaral at mabigyan sila ng maayos na kalidad na edukasyon.

Ang mga qualified applicants para sa prog­rama ay kailangang mag-apply sa alinmang public schools sa QC, taga lungsod at miyembro ng underprivileged family na may monthly family income na hindi hihigit sa P15,000.

 

BASIC EDUCATION ENHANCEMENT PROGRAM

BAUTISTA

COUNCILOR JESUS MANUEL C

COUNCILOR SUNTAY

HINIHIKAYAT

MAYOR HERBERT M

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with